Bagama't pumanaw na'y di nawawala sa puso ko
Hinangaan, sinubaybayan, at pilit kong tinularan
Bawa't pelikula'y binabantayan kahit pinipilahan
Taong 1965 nang una akong makapanood ng sine
At siyempre ang kasama ko, ay ang aking Daddy
Double program, don sa balcony ng sinehang Noli
Bida ay si FPJ, Jess Lapid, ang title, Sierra Madre
Ang ingay ng bentilador, hindi pa nauso ang aircon
May naglalako pa ng coke,hopia, mani at pop corn
Nalibang ka na sa pelikula hindi ka pa magugutom
Bago umuwi daan sa Golden Star kakain ng litson
Kay saya kung alalahanin mga gunita ng pagkabata
Mapagkandiling kong ama sa akin ay 'di nagpabaya
Mula noon ay naging idolo, Da King, Fernando Poe
Na siyang hari ng pelikula ng halos kalahating siglo
Unang nakilala bilang Anak ni Palaris at Markado
Anak ng Bulkan, Lo-waist Gang, Fandong Asintado
Naging Maskarado, Tatak Barbaro, at Ang Maestro
At nagbigay buhay sa Ang Panday, bilang si Flavio
Mahusay sa baril, Daniel Barrion at Franco Madero
Si Pepeng Kaliwete, Ang Dayuhan at Roman Rapido
Hari ng Barilan, Kalibre 45, Bandido ng Sapang Bato
Ang Alamat, Barbaro Cristobal, Aguila, Ang Padrino
Super sa bakbakan, Apollo Robles, Batang Matadero
Isa Isa Lang, King, Dos por Dos, Dampot, Pukol, Salo
Batang Quiapo, 3 Hari, Isusumbong Kita sa Tatay Ko
Ayos na Ang Kasunod, higit sa lahat, ay si Totoy Bato
Bayani ng digmaan, Asedillo, Mga Tigreng Taga-Bukid
Ang Agila at Ang Araw, Sa Bawa't Hakbang Panganib
Suicide Commandos, Pilipinas Kong Mahal, Santiago
Perlas ng Silangan, Dugo ng Bayan at Santo Domingo
Bilang alagad ng batas, Umpisahan Mo, Tatapusin Ko
Kapag Puno na ang Salop, Lakay at Epimaco Velasco
Ang probinsiano, Aguila ng Maynila, Eseng ng Tundo
Muslim Magnum 357, Isang Bala Ka Lang, Mediavillo
Maginoo, mapagmahal, Karnabal, Daigdig Ko'y Ikaw
Kahit Konting Pagtingin, Bontoc, One day, Isang Araw
Batya't Palo-Palo, Ikaw Ang Mahal Ko, at Minsan Pa
To Susan With Love, Bato sa Buhangin, Divina Gracia
Mabait na Kaibigan, Masamang Kaaway, Ang Padrino
Ex-Convict, Kapag Lumaban Ang Api, Tatak ng Tundo
Sa Iyo Ang Tundo, Akin Ang Cavite, pati Sierra Madre
Dito sa Pitong Gatang, pare, May Isang Tsuper ng Taxi
Noong 1960's siya ay hinangaan, naging idolo ng bayan
Pagsapit ng 1970's ay tinanghal na hari ng mga sinehan
Patuloy sa 1980's ay lalong sumisikat at pinapantayan
Hanggang sa 1990's, iginagalang, at pilit na tinutularan
Year 2004, Walang Bakas, siya ay tuluyang nagpa-alam
I guess I could count myself as one of the "lucky ones" having the experience of being transformed from an isolated barrio with no electricity to a new city life with Cinema big screen and television set at home. It may sound ordinary or even corny to the young ones but watching movies during those years provided us with a different sense of adventure, very much unlike of movies today which are but an ordinary thing even to the less privileged ones.
No comments:
Post a Comment